
MANILA, Philippines- Arestado ang tatlong indibidwal sa Recto Avenue sa Manila dahil sa umano’y pamemeke ng mga diploma, driver’s licenses, birth certificates at iba pang dokumento, ayon sa kapulisan nitong Huwebes.
Sinabi ng Manila Police District na nadakip ang tatlong suspek nitong Martes ng hapon sa pagsasagawa ng mga awtoridad ng entrapment operation laban sa naglipanang pekeng public documents.
Kabilang sa mga narekober na item mula sa mga suspek ang:
pekeng drivers license
board na may iba’t ibang pekeng dokumento
pekeng diploma
ilang pekeng resibo
pekeng kopya ng PSA birth certificate
pekeng cash voucher receipt
rubber stamp