MANILA, Philippines- Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga ulat na hindi inaprubahan ang P350 daily subsistence allowance na dagdag sa lahat ng military personnel.
“Contrary to these misleading reports, the PHP350 daily subsistence allowance increase has been successfully incorporated into the approved 2025 General Appropriations Act,” pahayag ng militar sa Facebook post nitong Miyerkules.
Nauna nang itinakda ang daily subsistence allowance ng AFP personnel sa P150 kada araw, karaniwang ginagamit para sa food at meal expenses.
Mayroong halos 150,000 military personnel sa buong bansa.
Anang AFP, ipinakikita ng alokasyon para sa karagdagang subsistence allowance ang commitment ng pamahalaan sa pagpapahusay ng kapakanan at suporta sa lahat ng sundalong Pilipino.
“The AFP remains dedicated to the well-being of its soldiers and will continue to prioritize their needs. We appreciate the public’s understanding and cooperation in combating the spread of false information,” dagdag nito. RNT/SA