Home METRO 3 arestado sa pananakit ng pulis sa Kyusi

3 arestado sa pananakit ng pulis sa Kyusi

73
0

MANILA, Philippines – Tatlong suspek ang naaresto matapos umanong pagtulungan at saktan ang isang pulis ng Quezon City Police District (QCPD) na nakahuli sa kanilang nagva-vandalize ng bakod sa kahabaan ng Eulogio Rodriguez Avenue sa Quezon City.

Nangyari ang insidente noong madaling araw ng Mayo 29 nang sitahin ng isang pulis mula sa Police Station 12 ang mga suspek habang sinisira at nilalagyan ng marka ang isang metal fence. Ipinakilala umano ng pulis ang kanyang sarili bilang alagad ng batas.

Sa halip na sumunod, umano’y sinalakay at sinaktan ng mga suspek ang pulis bago tumakas.

Sa isinagawang follow-up operations ng Criminal Investigation and Detection Unit, District Intelligence Division, at Police Station 12, naaresto ang isa sa mga suspek sa parehong araw. Ang dalawa naman ay kusang sumuko sa tulong ng mga opisyal ng barangay.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa mga ordinansa laban sa vandalism ng Quezon City, kabilang ang Ordinance No. SP-3163, S-2022 at Anti-Vandalism Ordinance No. SP-2342, S-2014. Kakaharapin din nila ang kasong direct assault with physical injury sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ayon kay Randy Glenn Silvio, hindi simpleng paglabag ang vandalism at ang anumang karahasan laban sa mga alagad ng batas ay sasagutin ng kaukulang aksyong legal. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here