Home METRO 3 armadong tulak timbog sa P20K ‘tobats’ at boga sa Bulacan buy-bust

3 armadong tulak timbog sa P20K ‘tobats’ at boga sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Arestado ang tatlong pinaghihinalaang tulak matapos umanong mahulihan ng P20,128 halaga ng iligal na droga at mga baril sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Hagonoy.

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek sa mga alyas na Gambi, 40, Kyle, 30 at Min, 27.

Sa report ng Hagonoy police station kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, ikinasa ang operasyon bandang 10:10 ng gabi nitong Marso 12 sa Brgy. San Roque.

Nakumpiska sa operasyon ang nasa 2.9 gramo na pinaghihinalaang shabu na tinatayang P20,128, caliber .38, revolver, limang bala nito, long barrel smooth bore shotgun, at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III

Previous articleRBH 7 aprub sa ikalawang pagbasa sa Kamara
Next articleBato nagpasaring sa China: Diplomatic protests ng Pilipinas aksyunan muna