Home NATIONWIDE Bato nagpasaring sa China: Diplomatic protests ng Pilipinas aksyunan muna

Bato nagpasaring sa China: Diplomatic protests ng Pilipinas aksyunan muna

MANILA, Philippines – Sinagot ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Miyerkules, Marso 13, ang sinabi ng China kaugnay sa hindi pagtanggap ng Pilipinas sa mga panukala nito na pangasiwaan ang West Philippine Sea.

Para kay Dela Rosa, ang Beijing ang may daan-daang diplomatic protests na dapat sagutin.

“Nagre-reklamo sila na hindi natin tinatanggap yung mga proposal nila? E bago namin tanggapin yung mga proposal nyo, you also act on our protests, we have thousands, hundreds of protests na nila-lodge sa kanila di ba?” pagbabahagi ni Dela Rosa.

“Gusto nila aksyunan yung mga gusto nila, aksyunan nila yung gusto natin. Hindi naman one-way yung relationship natin dapat,” dagdag pa niya.

Kamakailan ay kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatanggap sila ng “various maritime-related proposals” mula sa China noong nakaraang taon ngunit karamihan sa mga ito ay labag sa national interest ng Pilipinas.

“In no way did the Philippine government ignore China’s proposals,” giit ng DFA sa pahayag nitong Martes.

Sa kaparehong panayam, tinanong si Dela Rosa tungkol sa mahigit 50 Chinese vessels na nakita sa WPS na sinabi niyang hindi na nito ikinagulat.

“Alam naman natin na nadyan sila palagi.”

“We’re running out of options on how to deal with it,” dagdag ni Dela Rosa. RNT/JGC

Previous article3 armadong tulak timbog sa P20K ‘tobats’ at boga sa Bulacan buy-bust
Next articleDigital connectivity sa Tarlac IPs inilunsad ng DSWD