Home NATIONWIDE Digital connectivity sa Tarlac IPs inilunsad ng DSWD

Digital connectivity sa Tarlac IPs inilunsad ng DSWD

MANILA, Philippines – UPANG palakasin sa pamamagitan ng digital connectivity, inilunsad kamakailan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Tarlac ang Social Protection for Indigenous Peoples, isang tulong na ipinaaabot sa mga indigenous people at indigenous cultural communities (Ips/ICCs).

Ayon sa DSWD, sa pamamagitan ng paggamit ng mobile communication van, ang the Digital Transformation (DX) ng ahensya sa pangunguna ni Chief Information Officer and Asst. Secretary Julius Gorospe at Director Christian Joseph Regunay ng Information and Communications Technology Management Service (ICTMS) ay mabilis na makakakonekta ang mga on-the-ground social workers upang mabilis na makapagbigay ng tulong ang mga ito partikular na sa liblib na lugar.

Sinabi ni Asst Sec. Gorospe, “This initiative is a shining example of how digital technology can be harnessed to serve the nation’s most vulnerable sectors, embodying the vision of DSWD Secretary Rex Gatchalian and aligning with President Ferdinand R. Marcos Jr’s mandate for inclusive social protection.”

Dagdag pa ng opisyal, gagamit ang DX team ng Cisco-branded van, na may command center capabilities, wired and wireless internet access, at electric power generator, na magsisilbing critical hub sa DSWD team para mabilis na makatugon sa mga nangangailangan.

Kaugnay nito, sa ginanap na soft launch ng Social Protection for Indigenous Peoples ay mabilis na naisagawa ng DSWD social workers ang profiling ng Aeta indigenous community mula sa ibat ibang lugar sa Barangay Maruglu, Capas, Tarlac.

“The integration of digital technologies into our social protection services is transforming how we reach and support the marginalized sectors of our society.

This project is not just about technological advancement, it’s about touching lives and making a tangible difference in the communities we serve,” ani Asst. Sec. Gorospe.

Samantala, nilinaw naman ni ICTMS Director Regunay,ang operational benefits ng digital connectivity ay naglalayon upang mabilis na maabot ang mga indigenous peoples partikular na ang mga nakatira sa maituturing na geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA). Santi Celario

Previous articleBato nagpasaring sa China: Diplomatic protests ng Pilipinas aksyunan muna
Next articleBIR DIGITALIZATION PROGRAM, LAKING GINHAWA SA MGA TAXPAYER