Home OPINION BIR DIGITALIZATION PROGRAM, LAKING GINHAWA SA MGA TAXPAYER

BIR DIGITALIZATION PROGRAM, LAKING GINHAWA SA MGA TAXPAYER

Bahagi ng ginagawang paglilinis ng BIR o Bureau of Internal Revenue ang paglulunsad ng digitalization program. Sa ga­nitong pamamaraan kasi ay naroon ang transparency at kokonti na lamang ang human intervention. Napatunayan na kapag “less ang human intervention, less din ang discretion” na bahagi rin ng corruption system.

Sa tulong ng BIR electronic appointment o eAppointment, maaaari nang makausap ang sinomang BIR official na kaila­ngang makausap pero monitored ang pinag-uusapan sa oras at araw na kapwa kayo available.

Kung sakaling hindi ninyo alam na kinakailangang may eAppointment at nasa BIR district office na kayo, maaari pa rin kayong maghintay, ngunit uunahin muna nila ang mga naka-schedule na taxpayers sa eAppointment.

Maaari rin kayong pumunta sa eLounge para makapag sche­dule o magpaturo kung papaano gagawin ang eAppointment.  Hindi na kayo pipila kung may eAppointment, malaking ginhawa at tipid sa oras.

Mas pinadali at anomang oras hindi na kayo mawawalan ng BIR forms dahil kasama sa digitalization ang paglulunsad ng eForms o electronic forms.

Ang eForms ay pakete ng 36 na iba’t ibang form ng BIR na kinakailangan sa iba’t ibang transaksyon, kabilang diyan ang Withholding Tax, Documentary Stamp Tax, Percentage Tax at marami pang iba.

Marami ang nalilito kapag pinag-uusapan ang “Invoice” at ang “Official Receipt” o ang resibo. Sa mga kompanyang nagbabayad ng tamang buwis, lubhang mahalaga ang bawat resibong inilalabas dahil may katumbas itong bayaring buwis dahil ang BIR ay nagbabase ng bayaring buwis sa resibo.

Pero magiging bahagi na lamang ng nakaraan ang gawing ito dahil epektibo sa susunod na taon, magbabase na ang BIR sa “invoice” at mawawalang silbi na ang Official receipt.

Ginawa ito matapos na masusing pag-aralan ng BIR ang Tax Code ng bansa. At paalaala, hanggang katapusan na lamang ng taong ito maaaring magamit ang mga official receipt na meron ang mga negosyante o mga negosyo.

Pakinggan at panoorin natin ang malinaw at simpleng pagpapaliwanag ng ating mga nakapanayam buhat sa Revenue District Office No. 34 na sina revenue district officer Jefferson Tabboga at CAS Jeffrey Casiquejo ng chief Assessment Section na pinamumunuan ni Regional Director Renato Molina ng Region 6 Manila sa “HILDA ONG AGARANG SERBISYO LADY” YouTube channel.

Previous articleDigital connectivity sa Tarlac IPs inilunsad ng DSWD
Next articleLABAS NA, NASAAN KA MAN