Home NATIONWIDE RBH 7 aprub sa ikalawang pagbasa sa Kamara

RBH 7 aprub sa ikalawang pagbasa sa Kamara

MANILA, Philippines- Inaprubahan sa Kamara sa ikalawang pagbasa nitong Miyerkules ng gabi ang Resolution of Both Houses (RBH) No.7, eksaktong isang linggo matapos makalusot ang pro-Charter change (Cha-cha) sa Committee of the Whole.

Iminungkahi ni Deputy Majority Leader Mandaluyong City lone district Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II na bigyan ng penultimate approval ang RBH No.7, na naglalayong kalusin ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution. 

Idineklara presiding officer, Deputy Speaker Cebu 5th district Rep. Vincent Franco “Duke” Frasco na aprubado ang panukala, kung saan nalamangan ng ayes” (yes) ang “nayes” (no). 

Dahil dito, nasunod ng Kamara angtimeline sa pagpasa ng Cha-cha. 

Inaasahang ipagpapatuloy ang ikatlo at huling pagbasa ng panukala– sa pamamagitan ng nominal voting o isa-isang pagboto– bago ang Holy Week break ng mga mambabatas simula sa Marso 22.

Nauna nang inilatag ang nasabing timeline matapos aprubahan ng 300-plus strong House, na nagsisilbing Committee of the Whole, ang RBH No.7 noong March 6. Si Gonzales ang nagsilbing majority leader ng komite.

Dalawang linggo pinagdebatehan ang panukala, na nagsusulong sa pagkalos ng economic prohibitions sa Articles XII, XIV, at  XVI ng umiiral na Charter. RNT

Previous articlePNP tutulong sa pagpapatupad ng Senate contempt order vs Quiboloy – Hontiveros
Next article3 armadong tulak timbog sa P20K ‘tobats’ at boga sa Bulacan buy-bust