Home NATIONWIDE PNP tutulong sa pagpapatupad ng Senate contempt order vs Quiboloy – Hontiveros

PNP tutulong sa pagpapatupad ng Senate contempt order vs Quiboloy – Hontiveros

MANILA, Philippines – Tutulong ang Philippine National Police (PNP) sa Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) sa pag-detain kay Pastor Apollo Quiboloy kung bigo nitong tututulan ang contempt ruling laban sa kanya, sinabi ni Senador Risa Hontiveros nitong Miyerkules, Marso 13.

Ani Hontiveros, mayroong hanggang Marso 15 si Quiboloy para magbigay ng kapani-paniwalang dahilan para labanan ang posibleng detention niya.

Kung bigo umanong magawa ito ni Quiboloy, “the Senate president, who signed the show cause order, will instruct the OSAA to effect the arrest.”

Si Hontiveros ang namumuno sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, na nangunguna sa imbestigasyon sa mga alegasyon ng human trafficking at sex abuse laban kay Quiboloy.

Sinabi ni Hontiveros sa panayam ng ANC na pumayag ang interior department sa paghingi ng tulong ng OSAA mula sa PNP kaugnay sa posibleng pag-aresto kay Quiboloy.

“I believe lalo na sa ganitong later stage ng posibleng aresto na kung ‘di mahanap ng Senate… puwedeng tumulong ang PNP,” anang senador.

Nagpadala na ang kanyang panel ng tatlong imbitasyon para dumalo si Quiboloy sa mga pagdinig noong Enero 23, Pebrero 19 at Marso 5. Wala ni isa sa mga ito ang dinaluhan ng “Appointed Son of God.” RNT/JGC

Previous articleAbogado inaresto sa mga pekeng dokumento
Next articleRBH 7 aprub sa ikalawang pagbasa sa Kamara