Home METRO Abogado inaresto sa mga pekeng dokumento

Abogado inaresto sa mga pekeng dokumento

MANILA, Philippines – Isang nagpakilalang abogado ang inaresto makaraang naunsiyame ang pagpapalaya sa mga akusado dahil dinoktor umano nito ang mga dokumento para sa release order ng mga biktima sa Brgy. Calubcob, Silang, Cavite

Sa report, kinilala ang naarestong suspek na si alyas ‘Katrina’ na nagpakilalang isang abogado.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang nagsagawa ng operasyon ang warrant section ng Silang MPS sa RCD Royale Homes sa Barangay Kalubkob ng nasabing bayan.

Subalit nang isilbi ang warrant of arrest sa mga biktima, nagpakita sila ng isang order to release na may petsang Pebrero 24, 2024 na pirmado ni Hon. Niven R. Canlapan ng RTC 4rth Judicial Region, Br 109, Carmona City, Cavite matapos umano silang nagbayad ng kabuuang halagang P300,000.00 sa suspek na si alyas ‘Katrina’ na nagpakilalang abogado at nag-alok ng tulong sa kanila para sa pag-aayos ng kanilang piyansa.

Gayunman, natuklasan na ang order to release na ipinakita ng mga biktima ay peke at dinoktor lamang ang mga dokumento ng suspek.

Dahil dito, nagsagawa ng follow-up operation ang Carmona City Police at Silang Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Margie Bautista

Previous articleGinang at anak na dalaga, utas; suspek na jail officer nagbaril sa sarili
Next articlePNP tutulong sa pagpapatupad ng Senate contempt order vs Quiboloy – Hontiveros