Home METRO Ginang at anak na dalaga, utas; suspek na jail officer nagbaril sa...

Ginang at anak na dalaga, utas; suspek na jail officer nagbaril sa sarili

MANILA, Philippines – NASAWI ang 55-anyos na ginang at ang dalaga nitong anak makaraang barilin sila sa ulo ng jail officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na kalaunan ay nagbaril rin sa sarili sa Valenzuela City.

Dead on the spot ang biktimang si Lanie Belen Bernardino, 55, residente ng 755 Navarette St., Arkong Bato sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo at ang suspek na kinilalang si Mhel Pansa Manibale, BJMP Personel, residente ng Calderon St., Sta Lucia, Novaliches, Quezon City.

Nasawi naman ang isa pang biktima habang nilalapatan ng lunas sa Valenzuela City Medical Center ang 27-anyos na si Mary Grace Belen Bernardino sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.

Base sa imbestigasyon nina PEMS Felix Viernes at PSSg Regor Germedia, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mag-ina at ng suspek na may kaugnayan sa pagkakaroon ng relasyon ng lalaki sa isa pang anak na babae ng ginang na si Bernadette.

Sa ulat ng pulisya, habang nasa gitna ng mainitang pagtatalo, di-umano’y nagpumilit ang suspek na pumasok sa bahay ng mag-ina sa Navarrette St., Brgy. Arkong Bato subalit pinagalitan ito ng mga biktima.

Sa puntong iyon, biglang bumunot ng baril ang suspek at binaril ang mga biktima sa ulo.

Nang bumulagta na ang mag-ina dito na nagpasiya na magbaril rin sa sarili ang suspek na agaran nitong kinamatay. R.A Marquez

Previous articleMagat dam magbabawas ng mapatutubigan sa susunod na taniman
Next articleAbogado inaresto sa mga pekeng dokumento