Home METRO 3 babae nasagip sa mga bugaw

3 babae nasagip sa mga bugaw

MANILA, Philippines – Sinalakay ng National Bureau of Investigation – Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ang isang health spa dahil sa pambubugaw ng mga kababaihan.

Ito ay makaraang magsagawa ng entrapment /rescue operation laban sa Breathing space Health Spa na matatagpuan sa France St., Betterliving, Don Bosco, Parañaque nitong nakaraang mga araw dahil sa paglabag sa R.A. 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003).

Naibunyag sa impormasyon na natanggap mula sa confidential informant na ang nasabing establisyimento ay pag-aari at pinamamahalaan ng isang “Nelson” at nag-aalok ng kababaihang sex workers.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakasagip sa tatlong biktima at pagkumpiska sa mga nagamit na at hindi pa nagamit na mga condoms at iba pang items.

Sa nasabing operasyon, ang may-ari/ operators ng establisyimento ay hindi matagpuan.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang NBI-OTCD laban sa iniulat na may-ari na si Nelson Calimoso at Isang Abigael D.Piston na kinilala base sa business permit/s at certificates na nakita sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden