Home METRO Welder, vulcanizer timbog sa P27K bato sa Bulacan buy-bust

Welder, vulcanizer timbog sa P27K bato sa Bulacan buy-bust

Oplus_131072

Bulacan – Huli ang dalawang indibiduwal matapos umanong mahulihan ng P27,200 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso.

Kinilala ang mga suspek na sina Erick, 26, single, welder residente ng Brgy. Akle at Justine, 18, single ng Brgy. Talbak, Doña Remedios Trinidad.

Sa report ni San Ildefonso chief of police PLTCOL Russel Dennis Reburiano kay Bulacan Police ditector PCOL Relly Arnedo, ikinasa ang operasyon bandang 9:00 ng gabi nitong Mayo 30 sa Brgy. Akle.

Nakumpiska sa operasyon ang nasa 4.0 grams na pinaghihinalaang shabu na may standard drug price P27,200.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III