Home NATIONWIDE 3 barkong pandigma ng Tsina umaaligid sa Balikatan

3 barkong pandigma ng Tsina umaaligid sa Balikatan

MANILA, Philippines – Tatlong barkong pandigma ng China ang nakita habang nagsasagawa ng mga drills ang Philippine at US Navy sa waters ng North Luzon noong Abril 26, 2025.

Ang mga drills ay bahagi ng Multilateral Maritime Event sa ilalim ng PH-US Balikatan Exercises 2025, na layuning palakasin ang koordinasyon at kasanayan sa maneuvers ng mga alyadong bansa.

Pinangunahan ng BRP Ramon Alcaraz (PS-16) ang mga aktibidad, kung saan isinagawa ang ilang formations.

Hindi pa nagbigay ng opisyal na pahayag ang Philippine Navy tungkol sa pagkatagpo ng mga barkong pandigma ng China.

Ayon kay Commander Johanns Cruzada ng BRP Ramon Alcaraz, “walang epekto” ang presensya ng mga barkong China sa mga drills. RNT