Home NATIONWIDE Pekeng LTO chief arestado sa extortion

Pekeng LTO chief arestado sa extortion

Inaresto  sa Quezon City ang isang 42-anyos na lalaki na nagpapanggap bilang hepe ng Land Transportation Office (LTO) at nangikil mula sa mga operator ng pampasaherong sasakyan (PUV) na may impounded na unit dahil sa colorum violations.

Ang suspek, na nagpapakilalang si LTO Chief Vigor D. Mendoza II, ay humingi ng P250,000 bawat unit para pakawalan ito.

Pinatotohanan ng ilang bus operator ang scam kay Mendoza, kaya’t isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police.

Nahuli ang suspek habang nagtatransaksyon sa Cubao Terminal at nakuha sa kanya ang marked money at iba pang gamit.

Binanggit ni Mendoza na tanging court order lang ang makapagpapalaya ng mga impounded na sasakyan at hinikayat ang publiko na huwag makipag-ugnayan sa mga scammer.

Kasalukuyang hinahanda ang mga kasong swindling at usurpation of authority laban sa suspek. Santi Celario