Home NATIONWIDE 3 batang Fil-Canadian patay sa drunk driver sa Canada

3 batang Fil-Canadian patay sa drunk driver sa Canada

CANADA – Patay ang tatlong batang Filipino-Canadian edad 6 hanggang 15, habang sugatan ang tatlo iba pa matapos banggain ng lasing na drayber na nagmamaneho ng minivan ang kanilang sasakyan, sa Toronto, nitong Linggo, Mayo 18.

Sa report, kinilala ang mga nasawi na sina Ramone, Jace at Maya Lavina na nasa loob ng itim na Chrysler minivan lulan ang anim katao, nang mawalan ng kontrol ang silver na Dodge Caravan at salpukin ang sasakyan ng mga biktima habang nakahinto sa red light.

Ayon sa ulat ng Toronto Police, nangyari ang banggaan sa eastbound off-ramp mula Highway 401 patungong Renforth Drive bandang 12:30 ng madaling araw.

“The Dodge Caravan was traveling at a high rate of speed on the Renforth Drive exit ramp, lost control, and collided with the Chrysler Pacifica at the intersection of Renforth Drive and the Renforth Drive exit ramp from Highway 401,” pahayag ng pulisya.

“Three passengers of the Chrysler Pacifica, a 15-year-old child, a 13-year-old child, and a 6-year-old child, died as a result of the collision,” dagdag pa.

Kinilala naman ang drayber ng Dodge Caravan, na si Ethan Lehouillier, 19, ng Georgetown, Ontario, na nahaharap sa mga reklamong impaired operation of a conveyance causing death, impaired operation of a conveyance causing bodily harm, dangerous driving causing death at dangerous driving causing bodily harm.

Sinabi naman ni Ontario Premier Doug Ford na siya ay “heartbroken by the tragic and senseless deaths of three young children.”

“My thoughts are with the families grieving this unimaginable loss of life. The person responsible for this heinous act needs to face the harshest punishment possible.” RNT/JGC