Home NATIONWIDE Pagsisilbi ng arrest order vs Roque, nasa pagpapasya ng The Netherlands

Pagsisilbi ng arrest order vs Roque, nasa pagpapasya ng The Netherlands

MANILA, Philippines – Nakasalalay sa gobyerno ng Netherlands kung ipapatupad ang arrest warrant na inisyu ng Angeles, Pampanga RTC laban kay dating presidential spokesperson Harry Roque.

Ito ang inihayag ni Dennis Arvin Chan, pinuno ng DOJ Refugees and Stateless Persons Protection Unit ng tanungin kung ipatutupad ng International Criminal Police Organization (Interpol) ang arrest warrant laban kay Roque o kung dapat ba muna maresolba ang hiling na asylum nito.

Magugunita na nakabinbin ang asylum request ni Roque sa Netherlands. Idinadahilan nito ang dinaranas umano na political persecution.

Dito aniya sa Pilipinas, ginagawang priority ang refugee applications.

“Dito sa Philippines, if we are faced with that scenario, kailangan matapos muna ‘yung refugee application. So may— mangunguna ‘yun above all other proceedings,” paglilinaw ni Chan.

Nitong nakraang linggo nagpalabas ang Angeles, Pampanga RTC ng warrant of arrest laban kay Roque, Cassandra Ong at 48 na iba pa dahil sa kasong qualified human trafficking kaugnay sa POGO company na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga. TERESA TAVARES