Manila, Philippines- Patunay na nagkaroon na rin ng malawak na fan base si Atasha Muhlach ay ang pagka-miss sa kanya ng mga tagatangkilik ng Eat Bulaga.
Biglang-bigla naman kasi ang disappearance ng dalaga nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa longest-running noontime program sa bansa.
Ano nga ba ang dahilan at hindi na ito napapanood?
As far as director Derrick Cabrido is concerned, may conflict daw sa schedule si Atasha.
Si Derrick ang director ng Filipino adaptation ng 2017 Thai movie na Bad Genius.
March nang i-announce na nasa lead cast si Atasha.
Since hindi naman pangmatagalan ang shoot, may posibilidad na babalik din si Atasha sa EB lalo pa’t marami ang nakaka-miss sa kanya.
And let’s face it, sa EB nakalikha ng pangalan ang dalaga, nasanay sa larangan ng TV hosting at madaling nag-gel sa Dabarkads.
Ani direk Derrick, hindi raw niya matiyak kung pagkatapos ng shoot ng Bad Genius ay balik-EB na si Atasha.
Naintriga tuloy ang marami–ibig bang sabihi’y mas magko-concentrate si Atasha sa acting more than hosting?
Ginamit nga lang ba niyang stepping stone ang EB in pursuit of other showbiz commitments? Ronnie Carrasco III