MANILA, Philippines – Naglabas na ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema kaugnay sa implementasyon ng disqualification case ng number 1 councilor ng ikalawang distrito ng lungsod ng Maynila.
Sa ginanap na session ng Supreme Court en banc, pinigil ng SC ang DQ na iginawad ng Commission on Election laban kay Manila 2nd District Councilor Darwin Sia na kumandidato sa katatapos lamang na midterm elections at kinatigan ang TRO na isinulog ni Sia sa Korte.
Kinansela ng Comelec ang certificate of candidacy ni Sia at diniskwalipika rin ang kandidatong konsehal dahil sa conviction sa isang kaso ng electricity pilferage noong 2014.
Inatasan naman ng Korte Suprema ang Comelec at ang respondent na si Larry Dela Cruz na magpaliwanag patungkol sa petition ni Sia.
Mahigpit ang utos ng SC sa Comelec at kay Dela Cruz na isumite ang paliwanag sa loob ng hindi lalampas limang araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden