MANILA, Philippines – Nasa 131 residente ang inilikas nitong Sabado, Nobyembre 29 mula sa mga bayan ng Penablanca, Baguey, at Ballesteros sa Cagayan dahil sa kabi-kabilang landslide at mga pagbaha.
Ang mga ito ay sanhi ng malalakas na pag-ulan dulot ng shear line at northeast monsoon o Amihan.
Ayon sa Coast Guard District Northeastern Luzon, tinulungan ng mga tauhan ang nasa 125 residente matapos umapaw ang ilog sa Barangay Aggugaddan at Quibal sa Penablanca.
Pahirapang maabot ang mga residente sa mga lugar na ito matapos na gumuho ang kalsadang nagdudugtong sa mga komunidad na ito.
Nagpadala rin ng isa pang team ng Coast Guard sa Buguey para ilikas ang nasa anim na mga residente na isolated din dahil sa pagbaha sa mga kalapit na barangay ng Nararagan sa Ballesteros. RNT/JGC