Home NATIONWIDE 3 big-time tulak tiklo sa P1.7M shabu sa Cavite

3 big-time tulak tiklo sa P1.7M shabu sa Cavite

142
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang big-time na tulak ng illegal na droga at nakuhanan pa ng nasa P1.7 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na operasyon nitong Lunes, Mayo 19, sa Bacoor City, Cavite.

Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4A, inaresto ng mga tauhan nito kasama ang Cavite Maritime Police Station, ang mga suspek na kinilalang sina
“Yasser,” 27, at “Jamel,” 39, bandang 1:55 ng hapon sa pagbebenta umano ng isang pakete ng shabu sa undercover agent sa Barangay Molino 4.

Nakuha sa mga suspek, na kapwa residente ng Baclaran, Parañaque City, ang nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P1.36 milyon.

Tinukoy ang dalawa bilang “high-value individuals” (HVIs) sa illegal na droga.

Nasa kustodiya ng PDEA-4A custodial facility sa Santa Rosa City, Laguna ang dalawang suspek.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon para matukoy ang pinagkukunan nila ng droga.

Samantala, sa hiwalay na operasyon 5:45 ng hapon sa Barangay P.F. Espiritu 3, Bacoor ay naaresto rin ang isa pang HVI na kinilalang si “Boss.”

Nakuha ng mga awtoridad sa suspek ang knot-tied plastic sachet na naglalaman ng 50 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P340,000.

Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here