Home NATIONWIDE 3 biktima ng human trafficking na patungong Singapore, nasagip sa Davao

3 biktima ng human trafficking na patungong Singapore, nasagip sa Davao

240
0

MANILA, Philippines – NASAGIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Davao International Airport (DIA) ang tatlong biktima ng human trafficking na na-recruit para magtrabaho bilang entertainer sa Singapore, nitong Martes.

Iniulat ng mga tauhan ng BI immigration protection at border enforcement section (I-PROBES) na ang tatlo ay pinatigil ng mga frontline officer matapos tangkaing sumakay ng Scoot Airlines flight papuntang Singapore.

Ibinahagi ng mga opisyal na dalawa sa mga biktima ay nasa edad 20 habang ang isa ay 18 taong gulang lamang. Dalawa sa kanila ay galing talaga sa Luzon, at naglakbay hanggang Davao para sa biyahe.

Nabatid sa BI na ang una nilang palusot ay nagtutulungan sila, at naglalakbay para sa isang holiday sa loob ng limang araw.

Gayunpaman, kinumpirma ng verification na sila ay na-recruit para magtrabaho bilang mga entertainer sa Singapore.

Isinalaysay ng isa sa kanila kung paano siya ipinakilala ng kanyang kapitbahay sa Davao sa isang Manila-based contact, na siyang nagpadali sa iligal na paglalakbay ng tatlo.

Sinabi nila na wala silang binayaran para sa kanilang recruitment, ngunit sinabihan na ang mga gastos na 5,000 SGD ay ibabawas sa kanilang suweldo.

“This is a form of debt bondage,” ani BI Commissioner Joel Anthony Viado.

“Hindi ka pa umaalis, may utang ka na. This is a clear case of human trafficking, wherein our kababayan are made to agree to unfair arrangements. In many cases, women who are promised work as entertainers are later forced to work in the sex trade,” dagdag pa ni Viado.

Ang tatlong biktima ay itinurn-over sa inter-agency council against trafficking (IACAT) sa DIA, na nagpatuloy sa imbestigasyon sa kanilang kaso.

Tinukoy ng imbestigasyon ang dalawang posibleng recruiter na nag-aayos ng kanilang paglalakbay. Tinitingnan din ng mga awtoridad ang dalawa pang immigration personnel na posibleng may koneksyon sa mga suspek. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here