Home METRO 3 blacklisted Chinese nationals naharang sa tangkang paglusot sa mga tauhan ng...

3 blacklisted Chinese nationals naharang sa tangkang paglusot sa mga tauhan ng immigration

MANILA, Philippines – INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Chinese national na pawang mga nasa “blacklist” makaraang tangkain ng mga ito na lusutan ang mga immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nito lamang nakaraang Mahal na Araw.

Kinilala ng BI ang mga indibidwal na sina Yu Yang, Wang Bo, at Zhang Yong, na dinakip ng mga opisyal ng BI bago sumakay ng flight papuntang Hong Kong.

Nabatid sa BI na ang tatlong lalaki ay nagtangkang umalis sa pamamagitan ng isang Cathay Pacific flight papuntang Hong Kong nang sila ay pigilan ng mga awtoridad sa imigrasyon. Ang footage ng surveillance ay nagsiwalat na ang mga indibidwal ay nagtangkang dumaan sa mga counter ng imigrasyon, na nag-udyok sa mga opisyal na magsagawa ng pangalawang inspeksyon.

Sa pag-verify, natuklasan na silang tatlo ay may mga derogatory records at napapailalim sa isang blacklist order na inisyu noong 2023.

“Our system is different now. We have primary officers, secondary officers, added checks at the boarding gates, and off-site surveillance,” ani Tansingco. “Hence such attempts by illegal aliens will not go unnoticed,” dagdag pa ng opisyal.

Ang tatlo ay agad na inaresto ng mga opisyal ng BI at ipinaalam ang kanilang mga karapatan bago sumailalim sa virtual inquest proceedings sa Legal Division. Ang mga indibidwal ay haharap sa naaangkop na legal na aksyon alinsunod sa mga batas sa imigrasyon ng Pilipinas.

“The attempted illegal departure of these aliens poses a threat to national security and public safety,” ani Commissioner Tansingco. “We will continue to work tirelessly to identify and apprehend individuals who attempt to circumvent immigration laws and regulations,” dagdag pa nito.

Ang tatlo ay inilipat sa Warden Facility ng BI sa Bicutan, Taguig kung saan sila mananatili hanggang sa kanilang deportasyon. JAY Reyes

Previous articleWPS ‘countermeasures’ inilatag vs China – PBBM
Next article85 tirahan nasira sa malakas na ulan, hangin sa Cotabato