Home NATIONWIDE Presyo ng ilang bilihin bahagyang bumaba ngayong Mayo

Presyo ng ilang bilihin bahagyang bumaba ngayong Mayo

MANILA, Philippines- Karamihan sa presyo ng mga pangunahing bilihin ay bumaba sa mga unang araw ng buwan ng Mayo, base sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Nagkakahalaga ang kilo ng well-milled rice ng P56.52 sa nasabing period, mas mababa kumpara sa P56.98 at P57.04 na presyo nitong unang naitala.

Para sa medium-sized na itlog, bumaba rin ang presyo nito sa P8.51 kada piraso mula P8.58 sa ikalawang bahagi ng Abril at P8.68 sa unang bahagi.

Gayundin, mas mura nang mabibili ang galunggong sa P195.41 kada kilo, kumpara sa P197.29 at P204.49 na presyo nito noong Abril.

Gayundin, nagkakahalaga na lamang ang kilo ng mangga ng P145.08 sa unang linggo ng Mayo mula P151.48 at P157.63 noong nakaraang buwan.

Samantala, umakyat ang presyo ng dalawang bilihin– ang baguio beans na P124.13  na at hawaiian ginger na P146.53 kada kilo mula P108.26 at P136.87.

Bumilis ang inflation rate ng bansa sa 3.8 porsyento noong Abril  mula 3.7 porsyento noong Mayo 2024. RNT/SA