Home NATIONWIDE Libreng skills training, livelihood projects alok ng DOTr sa unconsolidated operators, drivers

Libreng skills training, livelihood projects alok ng DOTr sa unconsolidated operators, drivers

MANILA, Philippines- Sa pagkakasa ng gobyerno ng paghuli sa jeepney operators na hindi nakaabot sa April 30 deadline para sa konsolidasyon, binibigyan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga driver ng opsyon na makibahagi sa livelihood programs para sa mga apektado ng implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sinabi ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista na bago pa ang April 30 deadline, sinimulan na nila ang Tsuper Iskolar at enTSUPERneur programs na nagbibigay ng libreng skills training, skills assessment, at entrepreneurship training maging alternatibong hanapbuay.

“We have intiated this program in collaboration with TESDA (Technical Education and Skills Development Authority). Those who could no longer operate, we are happy to give them training for other sources of livelihood,” wika ni Bautista.

Sa ilalm ng programa, bibigyan ang mga benepisyaryo ng scholarship grants at skills training upang hasain sila sa paghahanapbuhay alinsunod sa Public Transport Modernization Program (PTMP).

Ang EnTSUPERneur” program naman ay partnership sa Department of Labor and Employment (DOLE) na naglalayong makapagbigay ng alternatibong pagkukunan ng kita sa PUV drivers at operators.

Noong May 16, sinimulan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paghuli sa PUV operators at drivers na hindi nakibahagi sa kosolidasyon sa korporasyon o kooperatiba bilang bahagi ng PUV Modernization program.

Ang konsolidasyon ang unang bahagi ng PUV Modernization. 

Batay sa inisyal na datos ng LTFRB, mayroong halos 10,000 jeepney operators at drivers na hindi nakaabot sa April 30 final deadline para sa konsolidasyon.

Sinabi ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III na nag-avail na ang ilang driver ng livelihood projects. RNT/SA