Home NATIONWIDE Infra projects para sa pagpapasigla ng turismo sa Ilocos Region target ni...

Infra projects para sa pagpapasigla ng turismo sa Ilocos Region target ni Marcos

MANILA, Philippines- Ginagawa na ang mga pangunahing infrastructure projects sa Ilocos Region na naglalayong hindi lamang para palakasin ang ekonomiya ng bansa kundi isulong ang ‘countryside development.’

Sa isinagawang inagurasyon ng Pagudpud Tourist Rest Area sa Pagudpud, Ilocos Norte, sinabi ni Pangulong Marcos na inaasahan na ng gobyerno ang pagdagsa ng mga turista sa nasabing lugar lalo pa’t patuloy na dine-develop ang Ilocos at Pangasinan Regional Historical Trail.

“As we anticipate the influx of tourists in the area, we are building more facilities to accommodate more visitors here in our province,” ayon sa Pangulo.

“All these projects are geared toward expanding not only tourism but also the development of the countryside, that allow for a strong tourism industry,” dagdag na wika nito.

Kabilang naman ang konstruksyon ng Ilocos Norte Transportation Hub sa mga proyektong binanggit ng Pangulo.

“Once completed in 2025, we anticipate that the intermodal terminal will ease [city] traffic control [and] connect transportation modes seamlessly,” paglalahad niya.

Tinuran pa ng Pangulo na itinutulak din ng gobyerno ang development ng Laoag International Airport, partikular na ang runway expansion at rehabilitation, layon nito na ma-accommodate ang mas malalaking aircrafts at makapagdala ng mas maraming turista.

Wika pa niya, ipinalabas ang pondo para sa pagtatayo ng mga bagong tulay at ang Pancian Viaduct sa kahabaan ng Manila North Road upang masiguro ang kaligtasan ng ng mga motorista.

“I am confident that these exciting developments will become a springboard for [the] further success [of] tourism in Ilocos Norte and the Philippines and from this moment onwards,” giit ni Marcos.

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagtutulungan sa whole-of-government approach upang matiyak ang tagumpay ng mga tourism program.

“We hope for that continued support for all the tourism programs across the archipelago, and we will show that not only do Filipinos love the Philippines but we can tell our foreign friends, guaranteed, you will love the Philippines,” pahayag niya. Kris Jose