Home ENTERTAINMENT Kathryn, super enjoy sa kalayaan!

Kathryn, super enjoy sa kalayaan!

Manila, Philippines- After Kathryn Bernardo’s break-up with ex, Daniel Padilla last year, tila ay kini-claim na ng Asia’s Superstar ang kalayaan.

Now, Kathryn is free as a bird!

Malaya siyang mag-desisyon kung saan ito pupunta kasama ang kanyang most trusted showbiz and non-showbiz friends.

Puwede na rin siyang magpaligaw at higit sa lahat, desisyon niya rin kung anong proyekto ang gagawin.

Marami pa siyang kalayaan na kanyang tinatamasa after being single right now.

Take note, Kathryn also learns to say no.

“The biggest gift is, I was able to give myself new confidence and trust in myself. Now, I’m free to navigate my life and make decisions. Now, I know how to say no,” bungad ni Kathryn.

Sa kabila ng pagiging malaya, hindi raw ligtas ang actress sa mga challenges at experience sa kanyang buhay.

“My challenges last year were different from when I was younger. But I’m learning to accept that challenges evolve, and I can’t control if they get tougher.

“But sometimes, before sleeping, I realize, ‘Who am I to complain, eh ito lang pinagdadaanan ko? The world doesn’t revolve around me.’

“This reminds me how blessed and lucky I am. It helps me end my day with gratitude,” pahayag ng actress. Ador Saluta