Home NATIONWIDE 3 Bohol solons nanindigan sa desisyong sumuporta sa impeachment ni VP Sara

3 Bohol solons nanindigan sa desisyong sumuporta sa impeachment ni VP Sara

213
0

MANILA, Philippines – Nanindigan ang tatlong miyembro ng Kamara na mula sa Bohol sa kanilang pagboto para sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Anila, nais lamang nilang malaman ang katotohanan.

Sa joint statement, sinabi nina Representatives Edgar Chatto (1st district), Vanessa Aumentado (second district) at Alexie Tutor (third district) na sila ay nananawagan para sa isang transparent at accountable brand ng leadership na naaayon sa paniniwala sa Konstitusyon na ang pagkakaroon ng pwesto sa gobyerno ay ang pagkakaroon ng tiwala ng mga tao.

“We stand as members of our respective political parties who have actively participated in the honest efforts of the quad-committee over the past months to ascertain the truth through evidence,” sinabi pa sa pahayag.

Matatandaan na noong Pebrero 5 ay bumoto ang ilang mga mambabatas sa Kamara para i-impeach si Duterte sa alegasyon ng korapsyon, betrayal of public trust at paglabag sa Konstitusyon.

Nasa 215 mambabatas ang pumirma sa reklamo.

Nilinaw naman ng mga mambabatas na ang desisyong ito ay hindi pag-atake sa bise presidente o sa opisina nito, ngunit isang paraan para malaman ang katotohanan.

Dagdag pa, ang pagdala sa Senado ng naturang isyu ay magbibigay ng plataporma para kay Duterte na depensahan ang sarili. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here