MANILA, Philippines – Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apat na suspek kasabay ng pagkakakumpiska sa P34 milyong halaga ng shabu sa operasyon sa Caloocan City.
Sa pahayag nitong Lunes, Enero 10, sinabi ng PDEA na ang mga suspek ay kinilalang sina alyas Al, 39; Sammy, 22; Amy, 19; at Ferds, 18.
Naaresto ang mga ito sa operasyon sa Abel St., Kingstown 2 sa Caloocan City, Linggo ng gabi.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang limang kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa yellow-gold foil packs na may label na “Guanyinwang”, cellular phones, sasakyan, buy-bust money, at identification cards.
Nahaharap ang apat na suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC