LAGUNA- Nahuli ng mga awtoridad ang tatlong Chinese national sa sinalakay na telecommunications contractor, iniulat kahapon sa bayan ng Calamba.
Ayon kay CIDG Director Police Brig. Gen. Nicolas Torre III, sa pinagsamang operasyon ng mga tauhan ng Bureau of Immigration, PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), Department of Justice Office of Cybercrime at ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ang mga operatiba mula sa Bureau of Immigration, PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), Department of Justice Office of Cybercrime at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ay matagumpay na nadakip ang mga suspek matapos ang isang buwang pagbabantay at nadiskubre na walang valid visas at work permit.
Inakala ng mga awtoridad na isang mini POGO scam hub, subalit natuklasan nila itong nag-install ng telekomunikasyon sa lugar.
Gayunman, walang business permit o business license ang kompanya mula sa lokal na pamahalaan ng Calamba at maging sa barangay ay wala rin silang permit.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng PAOCC Detention Facility sa Pasay ang tatlong dayuhan para sa immigration inquest proceedings habang ang 23 Filipino ay isasailalim sa interogasyon. Mary Anne Sapico