MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang tatlong Chinese nationals na nasa likod umano ng Philippine offshore gaming operation sa Calamba City, Laguna.
Ayon sa Region 4A police, nilusob ng team mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), lokal na pulisya sa pakikipag-ugnayn sa Bureau of Immigration and Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), taglay ang mission order, ang Beauty Technologies Corp. office sa Barangay Lamesa, umaga ng Biyernes, Pebrero 14.
Nagresulta ang raid sa pagkakaaresto sa tatlong Chinese national na kinilalang sina alyas “Lou,” “Weng” at “Yuan.”
Nasagip naman ang 23 Filipino na nagtatrabaho sa kompanya.
“Upon verification at BPLO (Business Permit and Licensing Office), Calamba City, Laguna, the Beauty Technologies Corp. has no business permit or any legal papers to operate in Calamba City, Laguna,” saad sa report.
Nasa kustodiya ng PAOCC ang Chinese nationals habang inihahanda ng BI ang deportation process. RNT/JGC