Home METRO 3 Chinese nat’l timbog sa P3.4M shabu

3 Chinese nat’l timbog sa P3.4M shabu

ANGELES CITY- Arestado ang tatlong lalaking Chinese nitong Lunes ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakuhanan ng halos P3,400,00 halaga ng shabu (crystal meth) sa isang sting operation sa Barangay Balibago sa lungsod na ito.

Batay sa PDEA Region 3 report nitong Martes, naganap ang buy-bust ng alas-10:50 ng gabi sa Shanghai Building sa kahabaan ng MacArthur Highway,

Kinilala ng PDEA ang mga naarestong sina Bin Da, 23; Hei Xiao; at Gua Xiao, 20.

“According to the team leader, the suspects were extremely circumspect while transacting, and took them a month to arrange a drug deal with the suspects,” ayon sa PDEA Region 3, base sa pahayag ng team leader ng operasyon.

Bukod sa halos kalahating kilo ng hinihinalang shabu, nakuhanan din umano ang tatlo ng pitong iba’t ibang mobile phones, susi ng kotse, at ang marked money ng ginamit ng poseur-buyer.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon pa sa ahensya. RNT/SA