Home ENTERTAINMENT Kris, hiwalay na kay Marc, may bagong bf!

Kris, hiwalay na kay Marc, may bagong bf!

Los Angeles, USA – It’s finally the end of the road for Kris Aquino and Batangas Vice Governor Marc Leviste.

Mismong si Kris ang nagbunyag nito sa vlog ni Ogie Diaz na sinadya pa siya sa Orange County sa LA, USA.

Ani Kris who took a cue from her son Bimby na una munang kinapanayam ni Ogie, isang doktor mula sa Makati ang kanyang bagong inspirasyon.

Pinili raw ito ni Kris dahil kumpiyansa siyang aalagaan siya nito.

Sa darating na September nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Kris.

Ibig sabihin nito, dito na lang sa bansa ipagpapatuloy ni Kris ang kanyang pagpapagamot.

Kinallangan daw muna niyang sumailalim sa MRI kung saan may dye na ii-inject sa kanya.

Sa procedure na ‘yon medyo nababahala si Kris.

Manilis namang nilinaw ni Kris na walang overlap na nangyari sa pagkakaroon niya ng bagong nobyo.

Hindi raw niya pinagsabay si Marc at ang ‘di niya pinangalanang doktor.

For the record daw, nagsimula raw silang magkaroon ng problema ni Marc noong November 2023.

Tinitiyak ni Kris na walang balikang mangyayari dahil sarado na raw maging ang puso’t tirahan niya sa LA kung sakali mang sadyain siya roon ni Marc.

Sa pagtatapos ng vlog interview ni Ogie, ayon kay Kris, she’s looking forward to doing a weekly talk show with his kumpare na malayo na raw ang narating sa career nito. Ronnie Carrasco III