Home METRO Mga ismagel na sigarilyo, nasamsam sa Camiguin, Sulu

Mga ismagel na sigarilyo, nasamsam sa Camiguin, Sulu

MANILA, Philippines – Nasamsam ng Bureau of Customs ang nasa 350 reams ng mga puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P280,000 sa Guinsiliban, Camiguin.

Nasabat ng Bureau of Customs – Port of Cagayan de Oro (BOC-CDO) ang mga ito sa implementasyon ng Warrant of Seizure and Detention noong Hunyo 25.

Nagawa ring maharang ng mga awtoridad ang isang Wing Van Truck na ginagamit para ibyahe ang mga ismagel na sigarilyo.

Dahil dito ay umakyat na sa P25,775,440 ang halaga ng mga ismagel na sigarilyo na nasamsam ng BOC at PNP sa Northern Mindanao.

Samantala, naharang din ng Philippine Coast Guard sa Western Mindanao and Western Sulu at Philippine National Police Maritime Group ang 11 kahon na naglalaman ng kabuuang 120 reams ng platinum brand cigarettes na nagkakahalaga ng P744,999 sa isang pamasaherong barko noong Hunyo 28.

Naiturn-over na ang mga sigarilyo sa BOC.

Ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio, nananatiling committed ang BOC na labanan ang smuggling ng illegal tobacco sa bansa.

“Addressing and preventing the illegal tobacco trade practices requires a team effort. It is crucial to coordinate with other law enforcement agencies. Hence, we will double our efforts to work closely with the PNP and other enforcement agencies to put an end to these unlawful activities,” ayon kay Rubio. RNT/JGC