Home NATIONWIDE 7 patay sa pananalasa ng Hurricane Beryl sa Caribbean

7 patay sa pananalasa ng Hurricane Beryl sa Caribbean

JAMAICA – Pito ang nasawi matapos manalasa ang malakas na Hurrican Beryl sa Caribbean.

Inaasahang mananalasa Jamaica ang mata ng Category 4 na hurricane, at maglalandfall in sa Cayman Islands bago magpatuloy patungong Yucatan Peninsula ng Mexico.

Ito ang kauna-unahang hurricane na umabot sa Category 4 level noong Hunyo at pinakamabilis na umabot sa Category 5 noong Hulyo.

Nitong Miyerkules ng hapon, may taglay na 220kph na lakas ng hangin ang Hurricane Beryl.

Bilang paghahanda, nagdeklara ng curfew mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi si Prime Minister Andrew Holness sa buong Jamaica at hinimok ang 2.8 milyong Jamaicans na sumunod sa evacuation order.

“If you live in a low lying area, an area historically prone to flooding and landslide or if you live on the banks of a river, I implore you to evacuate to a shelter, or to safer ground,” ani Holness.

Pinaghahandaan na rin sa Mexico ang pananalasa ng Beryl na inaasahang tatami sa pagitan ng kilalang tourist hotspot na Tulum at bayan ng Felipe Carrillo Puerto.

Samantala, sa nasabing bilang ng mga nasawi, tatlo katao ang binawian ng buhay sa Grenada, isa sa St. Vincent and the Grenadines at tatlo sa Venezuela. RNT/JGC