Home NATIONWIDE Malasakit sa maysakit: Hospital feeding initiatives ni Bong Go, patuloy

Malasakit sa maysakit: Hospital feeding initiatives ni Bong Go, patuloy

MANILA, Philippines – Dahil madalas na nilalapitan ng mga mahihirap na pasyente at kanilang mga pamilya, patuloy si Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang feeding programs sa mga pampublikong ospital na may Malasakit Centers.

Ang inisyatiba ay nagbibigay ng mga pagkain sa mga mahihirap na pasyente at kanilang tagabantay habang naghihintay sa prosesong medikal na kinakailangan sa kanilang mga sakit.

Batid ang pinansiyal na pasanin na kinakaharap ng mga pamilyang ito, tinitiyak ng programang ito ni Sen. Go na mababawasan ang alalahanin habang nasa ospital.

Hindi lingid kay Go na maraming mga pasyente na nagtutungo sa ospital na may Malasakit Centers na sapat lamang ang dalang pera para sa pamasahe at iba pang gastusin.

Ang mga Malasakit Center ay nagsisilbing one-stop shop para sa iba’t ibang programang tulong-medikal ng gobyerno at nagpapabilis sa pagbibigay ng suporta sa mga nangangailangan.

“Sa mga pasyente, lapitan n’yo lang ang Malasakit Center dahil para ‘to sa inyo. Kung may hospital bill kayo, nandiyan ang mga ahensya ng gobyerno na tutulong para mabayaran ito. Tutulungan kayo ng Malasakit Center para mabayaran ang inyong hospital billing,” sabi ni Go.

Itinatag sa pamamagitan ng inisyatiba ni Senator Bong Go, layon ng Malasakit Centers na i-streamline ang proseso ng pagkuha ng tulong medikal mula sa Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), PhilHealth, at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize ng Malasakit Centers program. Mayroon nang 165 centers sa buong bansa.

Samantala, inilunsad noong huling bahagi ng nakaraang taon, ang feeding program sa una ay isa lamang maliit na tulong.

Gayunpaman, ang tagumpay nito ay nag-udyok sa senador na mag-organisa ng mas marami pang feeding initiatives.

“Ang programang ito ay kaunting tulong para sa ating mga kapwa Pilipino, ngunit napakalaki ng epekto nito,” ani Go. RNT