Home NATIONWIDE Bulkang Kanlaon nakapagtala ng mas maraming volcanic quakes

Bulkang Kanlaon nakapagtala ng mas maraming volcanic quakes

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Huwebes, Hulyo 4 na tumaas ang volcanic activity sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.

Nasa kabuuang 67 volcanic earthquakes ang naitala sa Kanlaon sa nakalipas na magdamag kumpara sa 42 sa nakalipas na raw.

Nagkaroon din ng moderate emission ng 400-meter-tall plumes.

Samantala, bumaba naman ang volcanic Sulfur Dioxide emissions sa average na 3,779 tonnes per day mula sa 5,083 tonnes noong Martes.

Nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon. RNT/JGC