Home METRO 3 Chinese nat’ls, 2 Pinoy, arestado sa pagbebenta ng ilegal health products

3 Chinese nat’ls, 2 Pinoy, arestado sa pagbebenta ng ilegal health products

1
0

TACLOBAN CITY, Philippines – Arestado ang tatlong Chinese nationals at dalawang Pilipino dahil sa umano’y pagbebenta at pamamahagi ng mga hindi rehistradong produkto sa Tacloban City noong Huwebes, Oktubre 8.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Wen, 50, lalaki; Xin, 26, babae; at Ming, 36, lalaki, na pawang Chinese nationals, kasama ang mga Pilipinong sina Sheng, 21, at Jo, 26.

Nasamsam sa kanila ang mga hindi awtorisadong produkto na nagkakahalaga ng P96,205.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009.

Nagpaalala ang pulisya sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga produktong pangkalusugan, lalo na mula sa mga hindi awtorisadong nagtitinda at hindi beripikadong online seller.

Sa ilalim ng batas, ipinagbabawal ang paggawa, pag-aangkat, pagluluwas, pagbebenta, pamamahagi, pagpo-promote at pag-aanunsiyo ng mga produktong pangkalusugan na walang kaukulang awtorisasyon.

Hinimok ang mga mamimili na tiyaking may pahintulot mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang mga produkto bago bumili at iulat sa mga kinauukulan ang mga hinihinalang paglabag. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here