Home METRO 3 Daulah members sumuko sa N. Cotabato

3 Daulah members sumuko sa N. Cotabato

103
0

ILIGAN CITY – Sumuko ang tatlong miyembro ng Daulah Islamiyah-Hassan Group sa Carmen, North Cotabato noong Abril 5.

Sinabi ni Armed Forces Western Mindanao Command chief Lt. Gen. William Gonzales na sumuko sila sa magkasanib na elemento ng 90th Infantry Battalion, Carmen Municipal Police Station, at mga intelligence unit.

Iniugnay ni Gonzales ang kanilang pagsuko sa pagtutulungan ng mga pulis at militar sa Central Mindanao at ang walang patid na suporta ng mga local government units at komunidad.

Ang mga sumukong nag-turn over ng mga baril at bala ay iniharap sa lokal na pamahalaan ng Carmen sa pamumuno ni Mayor Rogelio Taliño, 602nd Infantry Brigade commander Brig. Gen. Donald Gumiran, at 90th Infantry Battalion commanding officer Lt. Col. Rowel Gavilanes.

Ang mga sumuko ay sumasailalim sa custodial debriefing sa 602nd Infantry Brigade headquarters.

Nakatanggap sila ng isang sako ng bigas bilang tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Carmen. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here