Home METRO Ex-SK pinagbabaril-patay sa mismong kaarawan

Ex-SK pinagbabaril-patay sa mismong kaarawan

CAMP PRESIDENT QUIRINO, Bantay, Ilocos Sur – Patay sa pamamaril sa mismong araw pa ng kanyang kaarawan ang isang dating Sangguniang Kabataan chairman mula sa Caoayan, Ilocos Sura nitong Lunes, Abril 8.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marion Tugade, 27, anak ni dating Mayor Mario Tugade ng Caoayan at residente ng Barangay Don Alejandro Quirolgico, Caoayan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na minamaneho ng biktima ang isang Sports Utility Vehicle kasama ang kanyang kasintahan bilang pasahero nang sumulpot ang hindi pa nakikilalang mga armadong sakay ng isang motorsiklo at pinagbabaril siya sa mukha.

Tumakas ang mga suspek at dinala ang biktima sa ospital kung saan ito namatay.

Nagsasagawa ng follow-up operations ang pulisya. RNT