Home METRO 3 dinamba sa P8M droga sa Bicol

3 dinamba sa P8M droga sa Bicol

LEGAZPI CITY – Arestado ang tatlong suspek habang mahigit P8 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa anti-drug operation sa Naga City, Camarines Sur nitong Linggo, Enero 7, sabi ng Police Regional Office sa Bicol (PRO-5).

Sinabi ni Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PRO-5, na 1,210 gramo ng shabu na may tinatayang street value na P8.22 milyon ang narekober.

Arestado ang mga suspek na sina Jamel Daligdig, Sobranel Paycana, at John Carlo Paycana sa Barangay Mabolo, ayon sa ulat ng PRO-5.

Kasama sa mga nakumpiskang ebidensya ang 12 knot-tied at tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Nasa kustodiya ng Police Station 5 sa Naga City ang mga suspek at mahaharap sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Republic Act 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Santi Celario

Previous articlePaninisi ng ACT Teachers sa malawakang blackout, walang basehan – More Power President Castro
Next articleSirit-presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo