Home NATIONWIDE 3 ex-vice presidents ‘di dadalo sa SONA 2024

3 ex-vice presidents ‘di dadalo sa SONA 2024

MANILA, Philippines- Pinili ng tatlong dating bise presidente na huwag dumalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22 sa House of Representatives. 

Tinukoy ni House Secretary-General Reginald Velasco ang tatlo na sina Leni Robredo, Jejomar Binay, at Noli de Castro. 

Sa isang panayam nitong Martes, binanggit niyang opisyal na ipinagbigay-alam nina Robredo at Binay na hindi dadalo ang mga ito sa SONA. 

Si De Castro naman, ayon kay Velasco, ay nagdesisyong hindi dadalo sa SONA. Subalit, hindi pa ito opisyal na ipinagbibigay-alam.

“Alam mo naman, wala naman pilitan dito sa SONA eh. It’s based on your desire whether you want or you don’t want,” wika ng opisyal.

Samantala, hindi pa kinukumpirma ni incumbent Vice President Sara Duterte ang kanyang pagdalo, base kay Velasco.

Pahayag pa ng opisyal, 99 porsyento ng mga inimbita sa SONA ngayong taon ang nagkumpirma ng kanilang pagdalo. RNT/SA