Home METRO Bebot nalambat sa P200M ‘investment scam’

Bebot nalambat sa P200M ‘investment scam’

MANILA, Philippines- Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) sa lalawigan ng Isabela ang isang babae sa reklamong pangongolekta ng halos P200 milyon sa isang investment scam sa Zamboanga del Sur.

Kinilala siya ng NBI bilang si Rosemarie A. Guzman na nadakip ng mga operatiba ng NBI Western Mindanao Regional Office (NBI-WEMRO) sa kanyang tahanan sa Delfin Albano, Isabela noong Sabado.

Nagsilbi ang mga operatiba ng NBI-WEMRO ng tatlong arrest warrants na ipinalabas ng mga korte ng Zamboanga del Sur kung saan siya nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 8799, ang Securities Regulation Code, na walang inirekomendang piyansa; RA No. 9160, ang Anti-Money Laundering Act of 2001, walang inirekomendang piyansa; at syndicated estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code (RPC), as amended by RA No. 10951, wala ring inirekomendang piyansa.

“Subject Guzman will be transferred from Delfin Albano, Province of Isabela to Zamboanga City, Zamboanga del Sur to face the charges against her,” pahayag ng NBI. 

“Subject Guzman, through social media platforms, enticed readers/followers to invest in their ‘Meat Shop Business’ named SilverLion Livestock Trading Corporation, Zamboanga City with promised ‘Return of Investment’ (ROI) of 40 percent per month,” dagdag nito.

“Subject Guzman’s group members were able to solicit P200,000,000 from unsuspecting investors in Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu and Tawi-tawi,” patuloy nito.

Nagsagawa umano ang bureau ng beripikasyon sa Securities and Exchange Commission (SEC) Zamboanga Field Office kung saan napag-alamang “SilverLion Livestock Trading, Inc. was registered with the SEC but failed to secure for ‘Secondary License’ to legalize their investment solicitation from the public.” RNT/SA