Home NATIONWIDE 3 foreigner, 2 Pinoy timbog sa Las Piñas shabu lab

3 foreigner, 2 Pinoy timbog sa Las Piñas shabu lab

MANILA, Philippines – Arestado ang 2 Chinese, isang Taiwanese national at dalawang Pinoy sa raid sa isang shabu laboratory sa Las Pinas.

Nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang malalaking flasks, weighing scale, at mga drum ng kemikal na ginagamit para gumawa ng illegal na droga sa isang exclusive subdivision sa Las Pinas.

“Doon sa nakuha natin kanina, yung isang drum can manufacture around 50 to 100 kilos of shabu. Napakarami hong nakuha. Isipin niyo nalang po, kung sakaling natuloy po ang pagmanufacture niyan, ilang buhay yung masisira po niyan,” ayon kay PDEA spokesperson Atty. Joseph Calulut sa panayam ng GMA News.

Itinanggi naman ng mga naarestong suspek ang akusasyon kaugnay sa illegal na droga.

Sa kabila nito, nagpositibo sa drug test ang isa sa mga dayuhan at Pinoy runner.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC