Home HOME BANNER STORY Kaugnayan ni Anson Que sa POGO, itinanggi ng pamilya

Kaugnayan ni Anson Que sa POGO, itinanggi ng pamilya

MANILA, Philippines – Itinanggi ng pamilya ng Chinese-Filipino businessman na si Anson Que, na may kaugnayan ito sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Matatandaan na natagpuan kamakailan ang bangkay ni Que at ng drayber nito sa Rizal.

Sa pahayag na inilabas ng pamilya nitong Sabado, Abril 12, sa pamamagitan ng kanilang legal counsel, pinabulaanan nito ang mga ulat na nagsasabing may kaugnayan ang biktima sa operasyon ng POGO.

Nilinaw din na wala itong rental property sa Bulacan.

“Mr. Tan has been engaged in legitimate business for decades, is a stalwart member of the Filipino Chinese business community, and is known for his charitable work. During his lifetime, he stayed away from shady dealings and only did business with people he knew and trusted,” saad sa pahayag ng pamilya.

Hinimok ng pamilya ang publiko na huwag basta-basta maniwala sa mga balita kaugnay sa pagkamatay ni Que.

Idinagdag pa na patuloy itong makikipag-ugnayan sa Philippine National Police kasabay ng apela ng privacy sa kanilang pagluluksa. RNT/JGC