MANILA, Philippines – Balik-Pilipinas na ang umano’y mastermind sa pagpatay sa businessman na si Dominic Sytin noong 2018 mula sa Malaysia.
Ipinresenta sa media ng Philippine National Police si Alan Dennis Lim Sytin, kapatid ng biktima, nang dumating ito sa Ninoy Aquino International Airport.
Ani Alan Dennis, itatanggi niya ang mga reklamo sa korte.
“All I want is a fair trial and for both sides of the story to be heard,” sinabi pa niya.
Noong Nobyembre 28, 2018, tinukoy ng pulisya ang gunman na si Edgardo Luib, na siyang bumaril kay Sytin sa harap ng isang hotel sa Subic Bay Freeport.
Inaresto si Luib at hinatulan sa krimen. Inamin nito na si Alan Dennis ang nagplano ng pagpatay sa kanyang kapatid.
Naaresto si Alan Dennis sa tulong ng Royal Malaysia Police noong Marso 22.
Dagdag pa, naaresto naman ang kasabwat nitong si Edrian Rementilla, na kilala bilang si “Ryan Rementilla” at “Oliver Fuentes,” sa Iligan City noong Marso 22. RNT/JGC