MANILA, Philippines – Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong puganteng iniulat na miyembro ng Dawlah Islamiyah Maute Group (DI-MG), habang patay ang tatlo iba pa sa operasyon sa Barangay Lamin sa Lumbayanague, Lanao del Sur nitong weekend.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang mga lalaking pugante na kilala bilang sina Abu Zacaria, Al Wala, at Asnawi ay naaresto nitong Sabado, Agosto 9 sa operasyon na nagresulta sa engkwentro.
Napatay naman ang tatlo iba pang wanted persons na sina Anwar Rahman at Abdullah, mga lalaki, at isang babae na si Nahara.
Isinugod ang mga ito sa Tamparan Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Ayon sa PNP, ang lahat ng anim ay subject ng arrest warrant sa murder at homicide na inisyu ng Regional Trial Court Branch 8 sa Marawi, Lanao Del Sur noong Oktubre 17, 2023.
Miyembro ang mga ito ng DI-MG at nakalista sa AFP Periodic Status Report para sa 2023.
Nadiskubre at nasamsam ng mga awtoridad ang M4A1 Colt caliber 5.56mm rifle, caliber 45 pistol, hand grenade, rocket propelled grenade (RPG), isang homemade M79 grenade launcher, 13 piraso ng IED blasting caps, dalawang itim na ISIS flags, isang M16 A1 rifle, assorted assorted magazines, rounds ng assorted live ammunition, at fired cartridge cases.
Samantala, nagtamo naman ng sugat si Philippine Army troop Corporal Johnson Francisco Zorca sa kaliwang binti sa engkwentro.
Una siyang dinala sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi na ngayon ay nasa stable na kondisyon. RNT/JGC