Home METRO 3 HVI arestado sa mahigit P1M shabu, baril

3 HVI arestado sa mahigit P1M shabu, baril

132
0

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang tatlong “high-value” targets at isang street drug pusher sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon Province nitong Linggo, Mayo 12.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakasabat ng mahigit P1 milyong halaga ng shabu at illegal na armas, sinabi ni Colonel Ledon Monte, Quezon police chief.

Naaresto ng mga operatiba sa Sariaya ang isang tulak na si “Sharly” matapos bentahan ng P3,000 halaga ng shabu ang isang undercover pulis sa Barangay Sto. Cristo.

Nakuha sa kanya ang 130 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P884,000.

Samantala, naaresto rin sa Candelaria ang tulak na si “Christopher,” 35, sa Barangay Malabanban Sur.

Nakuha naman dito ang shabu na nagkakahalaga ng P80,240 at hindi dokumentadong caliber .357 revolver na may apat na bala.

Sa kaparehong barangay, naaresto ang dalawang tulak na sina “Rustie,” 24, at “Leonida,” 43.

Nakumpiska sa mga ito ang tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P108,000 at weighing scale.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pinagkukunan ng illegal na droga ng mga suspek.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here