Home METRO 3 HVT timbog sa Pasay drug ops

3 HVT timbog sa Pasay drug ops

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay City police ang tatlong high value target (HVT) sa ikinasang buy-bust operation Huwebes ng umaga, Hunyo 13.

Kinilala ni Pasay City police officer-in-charge P/Col. Samuel Pabonita ang mga naarestong suspects na sina alyas Dan, alyas Venus at alyas Tutoy.

Base sa report na natanggap ni Pabonita, naganap ang pagdakip ng mga tauhan ng SDEU sa mga suspek dakong alas 10:30 ng umaga sa No. 824 B. Mayor St., Barangay 177 Zone 18, Pasay City.

Sa isinagawang operasyon ay nakumpiska sa posesyon ng mga suspek ang apat na heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng 3.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P23,800; isang coin purse at ang P500 buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 13 Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa SDEU custodial facility. James I. Catapusan