Home NATIONWIDE Pag-atake sa MV Tutor sa Red Sea kinondena ng DFA

Pag-atake sa MV Tutor sa Red Sea kinondena ng DFA

MANILA, Philippines- Mariing kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-atake sa MV Tutor sa Red Sea nitong Hunyo 12, 2024.

Ayon sa DFA, ang Philippine government ay gagawa ng mga kinakailangang hakbang para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga Filipino crew na nakasakay sa nasabing barko gayundin para makamit ang hustisya.

Kasabay nito ay nanawagan din ang DFA sa lahat ng UN member states na protektahan ang human rights ngĀ  seafarers.

Tiniyak pa ng DFA na mananatiling naninindigan ang Pilipinas sa pagtiyak ng kapakanan ng lahat ng seafarers sa buong mundo.

Hanggang ngayon naman ay wala pang inilalabas na detalye ang DFA hinggil sa dami ng Pinoy na sakay ng MV Tutor. Dave Baluyot